egm22


wwalang kapatid na matuwid ang makakalimot kay Vivencio Pineda o Ka Bening  kung tawagin. Lalo na sa mga kasalukuyang ministro kasama ang mga Sanggunian sapagkat lahat sila ibilang mo na si EVM ay minsan napailalim ng pangunguna ni Ka Bening. Alam natin lahat ang kastriktuhan niya sa lahat ng aspeto ng ministerio at maytungkulin. Ngunit batid rin natin ang pagmamahal niya sa mga estudyante, manggagawa, maytungkulin, at mga karaniwang kapatid.

download-1Saksi akong buhay ng minsan nangasiwa siya sa isang kasal sa lokal ng Cogeo. Maliit na lokal lang ito noon at sa tabi pa ng isang bundok. Pagkatapos ng kasal, yinaya si Ka Bening sa isang handaan ng bagong kasal. Ang sagot ni Ka Bening,“Saan po ang mga manggagawa, huwag niyo po akong intindihin, mga manggagawa tawagin ninyo.” Batid niya ang mga manggagawa noon, walang tulong at nakasalalay ang kabuhayan nila sa mga pagmamalasakit ng mga kapatid. Bawal pa silang magmolestya.

Minsan, isang grupong estudyante sa ministerio ay nakasalubong si Ka Bening pataas sa hagdan ng eskwelahan. Takot at rispeto ang umiiral kay Ka Bening noon. Kayat ang mga estudyante dahil hindi na makaiwas, tumalikod na lang ng magkatapat si Ka Bening. Deretsong naglakad si Ka Bening  at nag wika, “Yan..takot sa tao, hindi takot sa Diyos..”

May pangyayaring ginaya  ng isang sinusubok na estudyante ang kapintasan niya. Alam po natin na si Ka Bening ay may kaugalian na habang nagtetexto ay pinipihit niya ang kaniyang leeg paminsan-minsan. Mahusay ang estudyante. Pagkatapos ng pagtuturo, ang sabi ng Ka Bening, “Magaling ka bata, pati kapintasan ko ginaya mo!”

At hindi ko rin makalimutan ng kunin namin siya bilang ministrong magkasal sa aming dalawa (asawa ko ngayon).  Medyo takot ang umiral sa aking nang ituro sa aking ng receptionist sa Central sa opisina niya. Sabay po kaming pumasok doon. Nang makita kami, magiliw na tumayo siya sa kinauupuan niya at sinabihan kami na, “Maupo  kayo. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” Mejo natulala ako dahil kabaligtaran  ang nakita ko, ang taong akala ko sobrang strikto, ito siya, napakababang loob at magiliw. Sinabi namin ang aming pakay at tinanong sa amin ang petsa ng kasal. Ang sagot po namin, “Kayo po, kung kelangan kayo puwede.” Ang sagot niya, “Yan ang gusto ko.”

Sa puntong yon, biglang nagbukas ang pinto ng opisina at pumasok ang Ka Erdy. Syempre, tumayo kaming lahat ngunit wala kaming nasabi dahil parang galit ang Ka Erdy. Ang Wika ni Ka Erdy, “Bening, nagkakagulo sa Maligaya [eskwelahan ng mga estudyanteng manggagawa]. Hindi makita ang schedule nila. Sino ang may pananagutan doon!?” Sagot agad ni Ka Bening, “Ako po!” Mejo nahimasmasan si Ka Erdy sa sagot at sinabihan si Ka Bening, “Ayusin mo yan.” “Opo,” sagot agad ni Ka Bening. Lumabas si Ka Erdy.

Dahan-dahan kami naupo muli. At nagsalita si Ka Bening, “Alam nyo, ang may pananagutan sa schedule ng mga estudyante ay si Ka Doval (Cipriano Sandoval), hindi naman tayo. Pero, bakit natin ituturo si Ka Doval. Matanda na.”

Marami pong kwento mga kapatid at kaibigan ngunit sapat na ito palagay ko para mahuli mo ang pagkatao ng isang magiting na ministro. Tao rin tulad nating lahat. Ngunit ang pagmamahal sa Iglesia …Naiiba.

  • William

Mula kay Jon Snow, pakinggan po natin ang kaniyang pahayag.

Sana panoorin ito [Maligayang Pasko …]ni ka Matt Pareja at madinig niya yung pagbabawal sa panalangin na paulit-ulit gaya ng padrama niyang “sige na poh! sige na poh! sige na poh! sige na poh! sige na poh! sige na poh! …. sige na poh!… ” dahil hindi yuong ganung klase ng panalangin ang dinidinig ng Ama (at ipinagbabawal pa!) maging maingat at magalang sana silang lahat kapag nananalangin sila dahil nasa langit ang Diyos at tayo ay nasa lupa lamang… obviously, hindi galing sa puso o sincere ang mga sinasabi niya sa panalangin niya na puro pansisip-sip lang kay EVM… tuwang-tuwa naman ang loko…

si ka Bining ay isa sa mga paborito kong ministro. Sana maging huwaran siya ng mga makabagong ministro ngayon sa katapatan at kababaang loob… lalo na sa tunay na pagmamahal sa Iglesia at mga kapatid. Namuhay siya na simple at hindi nangmolestiya ng mga kapatid at lalo nang hindi nagnakaw sa kaban ng Iglesia.

2Kung hindi pa alam ngayon ng mga makabagong ministro kung ano ang dahilan at lubos na iginagalang at minamahal sila Ka Bining, Ka Aniceto Bunag, Ka Cipriano Sandoval, Ka Ben Santiago, Ka Magtuto, Ka Pilo at lalung -lalo na ang Ka Erdy kahit pa sila ay namayapa na… ay dahil dama ng mga kapatid ang sinseridad ng kanilang mga salita at payo at hindi sila umaarte lamang sa tribuna at mga panalangin nila. lalo naman na hindi sila gumagamit ng theatrics sa kanilang “pangangaral”. At hindi nila ginamit ang kanilang tungkulin upang sapilitan na kuhanan ng pera ang mga kapatid para sa kanilang sariling pakinabang.

Mga ministro, isip-isipin naman ninyo ang dahilan ng inyong ministeryo. Kung ang dahilan ninyo ay trabaho ninyo ito para pakainin ninyo ang mga pamilya ninyo ay give us a favor at umalis na lang kayo sa ministeryo ninyo dahil baka sumpain pa kayo ng Ama.

At tigilan na rin ninyo ang pang uusig ninyo sa naiwang pamilya ng Ka Erdy at ng mga itiniwalag ninyo ng wala sa lugar… napakasama ng gawaing iyan at ipag susulit ninyo yan sa Ama. Magkaroon naman kayo ng takot sa Diyos.

Yung mga ministro lamang na handang mamuhay sa sakripisyo at paghihirap gaya ni Cristo at mga naunang taga pangaral ang dapat na matira at yung mga ministrong kanin na ang totoong pinaglilingkuran lang ay ang malalaki at matataba nilang mga tiyan ay umalis na dahil isinusuka na kayo ng Iglesia.

  • JonSnow