recollection5


T2 (2)he last few days have been quite hectic.  Jet lag without the travel overseas. This morning in deep slumber I dreamt of my wife and I not so old some many years ago.  We were in a beach resort on a sunny but slightly gusty day with the waves rushing silently to shore. I was on a hammock under a palm tree dozing off.  From the corner of my eyes I could see my very sexy wife approaching me with two lemonades in hand. I just continued to be drowsing off but could clearly see how beautiful she was while approaching me and leaving behind soft tracks of her footprints while white doves in unison glided above the horizon.

beachThen I sensed she was right beside me, and next a soft moist peck on my cheeks followed by a moist dab on my lips.  I instinctively smiled.  But then another moist but this time a wetter version of smack on my cheeks then another on my lips. All of a sudden I realized I was dreaming and there was Goofy slurping all over my lips and face.  I don’t know for how long but it must’ve  been a little while because I had to wipe off all the goo on my face and lips! Well I grabbed her in my arms and woke up and asked her,”What’s the problem Organic (I usually call her Organic to differentiate her from a battery operated dog)?” She has very tiny paws and joints that I sometimes wonder how God could create such a wonderful creature.” And as to Katy our ever loyal feline secretary assistant, she was still on the bed unmindful of everything. When I put down Goof, she ran straight to my computer and sat beside the chair on the garden porch. Then I realized it had been some time since I last wrote. So here I am again wishing everyone the best of health and having a wonderful day.

While checking my email and FB (By the way, I now have a FB account if you might  be interested. It’s William Smith Increflections.  Last time it lasted less than a week but I’ve learned my lesson well. Come visit me sometimes, you’re all more than welcome.) I came across a post from Lorelei delos Santos regarding her brother a former INC minister.  I hope she won’t mind if I share her thoughts on the subject. The love and bond existing between her family is so strong and wonderful that everyone who should read her story I’m sure would be proud to have her as one of kin. Ka Lory, wishing to meet you someday soon. Take care and regards to your family. They are a source of inspiration.

  • William

From Lorelei delos Santos:

“Ito na ang huling pagkakataong isusulat ko ang aking nakatatandang kapatid sa anomang may kaugnayan sa mga paninira sa kanya. Ang totoo kahapon pa kating-kati ang mga kamay ko sa mga kasinungalingang ipinagkakalat ng mga nagdudunong-dunungan subalit siya mismo, ang kuya ang pumigil sa akin upang patulan ang ganoong kababang pagpapahayag. Subalit nakapagbitiw ako ng salita kaya patawad kuya … ngayon na lang po.

Sabay naming natutuhan ang pag-awit at pagbabasa. Pinanday nina Ka Mely ng Sampaloc at Ka Chito ng Pandacan ang aming uri ng pag-awit – buong puso , buong pag-iisip at buong pagkatao. Lumaki kaming taglay ang karapatang iyon kasabay ng pagiging organista, Pangulo ng Kapisanan at pagiging guro nya sa PNK. Isa syang matalinong tao, mapagtiis at higit sa lahat dedikado sa anumang bagay na kanyang ginagawa. Katunayan ng magtapos sya sa mataas na paaralan ay ibinigay sa kanya ang natatanging gawad ng pagkilala na noon lamang ipinagkaloob sa isang mag-aaral na matatapos sa aming paaralan ang ACADEMIC EXELLENCY AWARD kasabay ng pinakamataas na grado sa NCEE na 99+. Kumuha sya ng kursong Civil Engineering sa PUP at isang kurso sa STI na nagbigay sa kanya ng pagkakataong makapag-OJT sa MERALCO. Noon pa lamang ay inaalok na sya ng head ng department nila ng trabaho at binilinang wag sa hindi babalik pagkatapos ng graduation. Kabi-kabila ang alok ng mga kumpanya sa kanya at ilang kakilala na tutulungan syang makapangibang bansa upang maging bahagi ng kanilang hanap-buhay. Ngunit … ‘tinawag ‘ sya.

Di ko malilimutan ang tagpong iyon nang umiiyak na nagpaalam si kuya sa aking mga magulang upang lumusong sa banal na ministeryo. Narinig ko ang paghingi nya ng patawad sapagkat bilang panganay na maari na sanang makatuwang sa pagtataguyod ng aming sambahayan ay narito’t yayakap sa isang gawaing tuluyang magkakalag sa aming kanyang pamilya ng anomang karapatan sapagkat sya’y magiging ganap nang pag-aari ng iglesia. Palibhasay Pangulong Diakono ang aking ama at masiglang diakonesa ang aking ina at kaming magkakapatid ay mga mang-aawit – inari naming biyaya ang pagpapaubaya kaysa kalugihan. Mababang loob ang kuya taliwas sa mga ibinabato sa kanya sa kasalukuyan. He may be confident and dignified but never a conceited person. Kahit ang mga naging guro nyang mga senior ministers ay makakapagpatunay nyan. He is also a good leader , he never tolerate wrong-doing pero nagpapayo ng buong pagmamahal sa mga kapatid. Isa sya sa pinakamalakas magbunga sa Metro Manila noon at pinalad na sumailalim sa ASFOM program ng BEM. Isa sa pinakabatang naging pastor sa Metro Manila at pinadala sa Amerika.

Sa Estados Unidos ay nagsikap syang maging kapaki-pakinabang na sasardote ng Panginoon sapagkat alam nya ang napakalaking puhunan ng iglesia para makapagpadala ng mga ministro sa ibayong dagat. Maayos na sana lahat nang pasabihan sila ng USMO na maghanda na ng kanilang mga gamit sapagkat kailangan nilang magbalik sa Pilipinas dahil hindi umano naaprubahan ang kanilang papel kasama ng mahigit sampu pang mga ministro na nasa Amerika din. Nagpaalam sya sa lokal at totoong lumuha ang mga kapatid sa malungkot na balita. Nakauwi na ang ilang kasamahan nyang ministro ay naiwan pa sya ng ilang araw ngunit nag-impake na sila ng mga gamit. Ngunit isang umaga ay nakatanggap sya ng sulat mula sa gobyerno ng Amerika para sa pagdinig sa kaso ukol sa papel ng pananatili nila sa bansa. Isinangguni nya sa isang abogado ang sulat at laking gulat nya ng bigla syang yakapin nito ng buong saya at sabihing ‘maaayos po ang papel nyo at di nyo kailangang umuwi sa Pilipinas “.

Agad syang tumawag sa tanggapan ng USMO subalit hindi naging maganda ang pag-uusap. Minabuti nyang direktang makipag-ugnayan sa central at binigyan sya ng go signal na ayusin nya ang kanyang papel. Sobrang saya nya na napaluha dahil ang perang ginugol ng pamamahala sa kanya mula sa handog ng iglesia ay di masasayang dahil mapapakinabangan pa sya ng matagal sa bansang iyon. Naipagtagumpay nya ang kaso sa tulong na rin ng mga pribadong abogado na naging kaibigan nya sa Amerika. Nabalita ng central ang pangyayari at nagpadala ng liham ng pagbati sa kanya. Ang ilang ministrong napauwi ay tumawag din sa kanya at nagparamdam ng panghihinayang sapagkat sila at ang kanilang pamilya ay ilang taong ding hindi makakaapak sa lupa ng Estados Unidos. Aminin man nila at sa hindi may pagpapabayang nangyari kaya kinailangang pauwiin ang mga ministrong ginugulan ng abuloy ng iglesia.

Nadestino sya sa ibat ibang lokal sa California at ang pinakahuli nga ay sa San Antonio , Texas. Mula ng mamatay ang Ka Erdy ay nagsimula syang makapansin ng kaibahan sa mga pamamalakad. Noong una sa California ay kaya pang ipagkibit balikat. Subalit ng mapunta sya sa Texas ay nag-uumigting na ang mga di katanggap-tanggap na pamamalakad . Nariyan ang sapilitang pagbebenta ng mga centenial memorabilia katulad ng kalendaryo kahit buwan na ng nobyembre. Ang on line panata at webex pagsamba na kadalasan kahit sa panukat ng tao ay kulang sa kaayusan at kabanalan. Ininda nya rin ng labis ang pagpwersa sa mga kapatid na makapagpatala ng duktrina by hook or by crook. Mga hayagang pandaraya ng ulatan ng mga may tungkulin at kapwa ministro upang magmukha lamang nakatugon sa panawagan ng pangangasiwa na double the serial number.

Ang halos takutan na sapilitang mga handugan na inubliga pa sila ng kanilang District Minister na tumayo sa tabi ng kahon ng handugan at papilahin ang mga may tungkuling dadalo sa panata upang iintimidate ang sinomang walang balak mag tanging handugan. Hindi nya sinikmura ang pag-oobliga sa mga kapatid ng pagdalo sa araw-araw na gawaing may kalakip na salaysay pag di nakatugon at saka kukubain sa sunud-sunod na handugan na labis na idinadaing ng mga kapatid. Lalong lumakas ang ugong ng katiwalian sa iglesia. Sa Pilipinas ay angkan-angkan ang itinitiwalag sa kasong paglaban subalit hindi man nya hanapin ay kusang lumalapit sa kanya ang katotohanan sa mga masaker ng karapatang iyon. Napalitan ng STF ang mga seasoned ministers sa distrito. Nawalan sya ng interes sa mga aktibidad na nagiging daan lamang ng kahambugan at paglustay sa mga salaping pinaghihirapan ng mga kapatid. Napunang lahat yun ng kanilang District Minister at isang plano ang inihanda.

Dalawang lokal ang hawak nya sa Texas. Salitan ang ginagawa nyang pangangasiwa dito at inugali na ng isang PD na hilingin syang mangasiwa lagi sa kanilang pagsamba, palibhasa ay malapit sa District Minister ay lagi siyang nasusugo doon. Minsan kinausap nya ang pamunuan ukol sa bagay na yaon sa maayos na paraan. Ipinakiusap nyang igalang na lamang kung ano ang suguang gagawin ng distrito dahil may mga pagkakataon kasing kailangan nyang pulungin ang San Antonio pagkatapos ng pagsamba subalit medyo malayo ang tatakbuhin ng sasakyan kung sa lokal pa ng PD magmumula ang kuya. Year-end Pasalamat 2014 , babasahin lang ang texto mula sa tagapamahalang pangkalahatan. Maayos na binasa ang serkular at sa panalangin ng PD buong kapulungan ang nakarinig sa pagpapasalamat nito sa Ama na halos pasigaw pa na umiiyak sa napakabiyayang pagsamba. Nagbagong taon – dumalaw ang kuya sa ilang may tungkulin sa kanyang mga lokal at naghatid ng panalangin.

Kasama ang tahanan ng PD sa kanyang pinasyalan at yumakap pa ito ng mahigpit at buong giliw bago sila maghiwalay. Ilang araw ang lumipas dumating ang ulat – ” Wala pong biyaya sa pangangasiwa ng Pasalamat ” – mula sa PD na laging humihiling sa distrito na sya ang mangasiwa sa pagsamba nila. Binasa sa harapan nya ang ulat ng tagapangasiwa ng ibang distrito ( ,,, again , ng ibang distrito ). Nakakatawang bahagi ng ulat ang halatang-halatang injected issues like hindi po nakikipag-usap ng may kagalakan sa District Minister pag nadadalaw ang huli sa lokal at hindi po nakikilahok sa mga bonding ng mga ministro like basketball ( masama pang mapagod ang kuya nun physically dahit nagkaroon sya ng medical procedure concerning his heart).

Anopat napakababaw ng mga nilalaman ng ulat. Sinagot nya ng liham ang ulat at buo ang paninindigan nyang buong puso nyang binasa ang texto noong pasalamat at handang patunayan ng mga may tungkuling naroon ang bagay na yon. Simpleng-simple ang ulat ngunit ramdam nyang may hindi pangkaraniwang nagaganap at may mas mabigat na darating. Patuloy sya sa pagtupad bilang ministro ngunit sinimulan na rin nilang ihanda ang kanilang mga gamit dahil alam.nyang posible silang pauwiin. Tumawag sya sa akin noon at masaya pa sya dahil matagal na panahon na ring hindi kami nagkikita. At sabi nya mas gusto nyang makilala ng mga anak nya ang Pilipinas. Subalit iba ang pakiramdam ko … sa dami ng kakilala ko o kakilala ng kakilala kong nakakaamoy na ng katiwalian – iba ang pakiramdam ko.

Sumunod na tawag ko confirmed na pauuwiin sila , ayos lang sabi nya ang mahalaga ay nasa karapatan. Hindi pa kami natatapos ang mag-usap ay hinihingi na ng distrito ang mga resibong nasa kanya para sa darating na pagsamba gayung ang schedule flight nila ay ilang araw pa pagkatapos ng pagsamba. Nagkaintindihan kami at ginawa ng kuya ang dapat nyang gawin. Inayos nya ang dapat ayusin sa lokal na mga ulatan at mga aktibidad. Nagbilin sya sa lokal ng husto … yumakap sa lahat ng kapatid na nasasalubong at nanalangin silang mag-anak ng buong ningas sa loob ng kapilya. Dumating na ang hudyat , ang tanda na ipinagpanata nya sa Ama. Umabot na sa sukdulan ang lahat. Yes … habang tulog ang lahat sa panig na yaon ng mundo … HE RESIGNED and together with his family they just vanished..

Ilang linggo syang di nakipag-usap sa akin o sinoman sa aming pamilya. Hangang ipatawag kami sa Central … inalalayan ko ang aking ina na talagang wala pang alam sa mga pangyayari. I shielded her dahil may sakit sya sa puso subalit sa bahay pa lamang inunti-unti kong ipaliwanag sa kanya para di sya mabigla. Ang totoo alam kong marami ng nakakaalam ng sitwasyon bago pa kami kausapin . Kinausap ang mother ko ng destinado bago kami maipatawag ng central. Kung anong natapos na kurso ng mag-asawa, kung ilang ang mga nak , kung may mga kamag- anak kami sa Amerika at kung kelan huling nakipag-usap sa amin. Sa dami ng tanong … hindi nila binanggit na nawawala ang kuya. Hindi nila sinabing pinauuwi at tinanggalan ng karapatan. Wala ! Sa central na lang nila sinabing di nila matagpuan ang kuya. Binilinan kami ng maigi na agad naming iulat sa kanila pag tumawag at nakipag-ugnayan. Umiyak ang Mama ko dahil talagang wala kaming alam kung nasaan sila noon. Doon ko narinig ang di ko malilimutang salita ng ministrong nasa tanggapan – ” Magpapakita rin yan at gagapang pabalik sa tungkulin pag nagugutom at wala nang makain ang pamilya nyan “ – gusto kong tumayo at sumigaw na sabihing ” Salamat sa napakadalisay mong pag-ibig pero hindi ministrong kanin ang kuya ko !”

Patuloy na dumami ang itinitiwalag na pami-pamilya ng ministro sa Pilipinas. Yung iba totoong galit na sa pamamalakad subalit napipilitang bumalik ( ng paggapang ) dahil dito sila ang makapangyarihan. Kaya nilang pilayin ang iyong kabuhayan , kaya nilang kontrolin ang iyong mga kamag-anak , kakilala at kaibigan . Wala kang pagsisimulan dito lalo na at ginugol mo ang talino at lakas mo sa ministeryo na wala namang market value dito sa Pilipnas. Gigipitin ka kabi-kabila at kahit pagiging pangkaraniwang mamayan dito ng isang dating ministro ay kaimposiblehan. Ginamit lang ng kuya ang biyayang katalinuhang bigay ng Ama sa kanya.

He needs to pick up his pieces at hindi dito sa Pilipinas nya mapupulot ang mga yon. Mahaba at nakakapagod sa mata pero sinulit ko na dahil alam kong sinuway ko ang kahilingan ng kuya … Huwag patulan ang mangmang at ipanalangin na lamang ang nabubulagan.

Muli – isang makatotohanan at mapagpalayang umaga sa lahat ng nagtyagang basahin ang aking akda.”

Lorelei delos Santos

(Beatle John Lennon once said:

lennon

Take care dear Lorelei and regards to your Kuya too.

  • William