recollections


f2rom Raven,  recollections about a simple life in one of the smaller locales of the Church where love for the ministry and its workers had once upon a time brought meaning to being a true Christian.  But now a mere memory of happier times …

  • William

♠  ♠  ♠

Ka William,

erdy familyUnang nabuksan ang kamalayan ko patungkol sa totoong kalagayan ng INC nung araw na itiwalag ang pamilya ng Ka Erdy. Dun ko lang natuklasan ang tungkol kay AE. Hindi ko ipinikit ang aking mga mata, I explored the internet. Ginalugad ko ang lahat ng articles sa rappler, network54, facebook at blog sites ng mga defenders na gaya nyo. Pinag aralan kong mabuti ang lahat ng nabasa ko. Sinikap kong pumanig sa Pamamahala at binigyan ng katwiran ang bawat issue na ipinaparatang sa kanila.

Subalit hindi ang mga issues sa internet patungkol sa pamilya ng ka Erdy at ka EVM ang nakapag kumbinse sa akin na mayroong dungis at kapintasan ang INC na dapat linisin. Ito ay ang “palakasan system” na nangyayari sa loob ng Ministerio.

small chapelGaling ako sa isang mahirap na pamilya at lumaking nasaksihan na ang mga nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa paghahandog (na syang ginagamit sa pagpapatayo ng kapilya) at kumakalinga sa mga nasa Ministerio ay pinagpapala ng Dios, opo, lalo na sa materyal na bagay. Sabi nga ng isang ministro nung bata pa ako, “kapag minahal mo ang mahal ng Dios, mamahalin ka ng Dios”.

Ang dalawang ito po ang naging objective ng buhay ko: ang pagkalinga sa mga nasa Ministerio at ang laging pagsulong sa mga paghahandog. Sinasampalatayanan ko na ito po ang nakita ng Dios kaya’t pinagpala nya ako ng magandang pamilya at maalwang buhay.

Lagi po kaming nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga ministro, na batid ng nakararami sa kanila sa aming distrito. Kapag mangangasiwa ang DM (District Minister) sa aming lokal, lagi kaming sinasabihan ng destinado, dahil alam nilang automatic na mag aabot kami. Pero noon pa, may isang maliit na bagay ang aking ipinagtataka, lahat ng mga ministro sa lokal ay nag aabot din ng cash sa DM. Itinatanong ko sa aking sarili, bakit sila nag aabot sa DM, mas malaki pa ang tulong ng DM, pa-kotse, pa-driver at pa-gasolina.

sanggunian2Nabigyang-linaw ito sa akin nitong August 2015, nang magkaroon ako ng pagkakataong makasama ang aking kaibigan na asawa ng isang ministro. Naglakas-loob akong tanungin sya, “bakit kayo nag-aabot sa mga DM?” Ang sabi nya: “Iniipon kasi yun ng mga DM para ibigay sa Sanggunian, para sa mga gustong i-promote”. Natulala ako. Tinanong ko sya: “Eh, kayo ba nagbibigay?” Sabi nya: “Oo, maliit lang”. Kaya pala. Kaya pala sa mga tawid-dagat at mga bulubundukin sila nadedestino, yung minsan ay hindi naaabot ng telecommunications signal. Dahil maliit lang ang iniaabot nila..

Dito po nagsimula, na makumbinse ako na may maling pamamalakad sa INC. “Palakasan system”, ito po ang isa sa kinamumuhian ko. Kapag sumasamba, tinatanong ng isip ko sa ministrong nangangasiwa: “Nag-aabot ka rin ba sa DM? Nagpapalakas ka rin ba para ilagay ka sa maalwang lokal? Hindi ba sumumpa ka sa harap ng Dios na maglilingkod ka ng tapat sa Iglesia saang local ka man madestino? Bakit pumayag kayong mga ministro na kainin ng sistema ng Sanggunian na pagkagahaman sa salapi?”

Kapag ang bahagi ng puso ko ay pumapanig noong mga nakaraang buwan sa Pamamahala, bumabalik ako sa isipang ito ng “palakasan system”. Kumbinsido ako. Dalawang panig lang kasi ang pagpipilian, ang tama at mali. Merong mali, at hindi ang mga Defenders ang mali kaya’t ganap akong naniwala sa mga inilalahad ng Defenders.

Simula po nung August, hindi na po kami nag-aabot ng tulong sa mga ministro, at kitang-kita ng destinado namin ang pagbaba ng aming lagak. Bagamat July pa lang ay sulong sa sulong na ang aming handog para sa taunang pasalamat ng 2015. Hindi naman po kami kinakausap sa labis na pagbaba ng aming lagak mula August. Di lang namin alam ngayong pagpasok ng 2016, kung kakausapin na nila kami. Dahil 60% po ng kabuuang handog-pasalamat ng aming maliit na local ay nanggagaling po sa aming sambahayan.

Ka William, ang hirap bumangon sa pagkabigong aking nararamdaman. Ang dalawang bagay na aking binibigyan ng malaking pagpapahalaga: Ministerio at paghahandog, parehong nagbigay ng hapis sa akin. Sabi ko sa sarili ko: “I lost track”. Kagaya ng panalangin ng iba pang mga Defenders, nawa igawad na ng Ama ang lunas sa suliranin ngayon ng Iglesia, na ayon sa isang article: “resolution is still nowhere in sight”..