capture-20151118-121340


one of the families from the locale of Tandang Sora wrote to AE posted on his Facebook account.  We pray that our brethren’s personal chronicle as clearly stated in his letter shall serve as an eye-opener to all who still doubt the sincerity of AE and similar groups trying their best to enlighten the brethren the seriousness of the irregularities occurring within the Church hierarchy.

  • William

♠  ♠  ♠

VOICE OF THE BRETHREN: HINDI NA KAMI DADALO NG PASALAMAT

Magandang araw po sa inyo Ka A.E.

Ako po ay sumulat sa inyo upang ipaalam sa inyo na ako po at ang aming buong pamilya ay galit na galit po sa inyo! Mula po ng lumabas kayo sa FB at sa WordPress noong Abril ay isa po kami sa mga kapatid na masugid na pumupuna at bumabatikos sa inyo dahil sa aking aming palagay ay naninira ka lamang sa Iglesia. Lagi kaming nagliliyab sa galit tuwing may lalabas kang artikulo at lagi ka naming minumura at pinag-iisipan ng masama. Kung magagawa ka lang naming patayin o ipapatay gagawin namin.

Subalit mali pala ako. Nakakahiya mang aminin subalit totoo.

tandang soraNgayon ko lang napagtanto ito pagkalipas ng 8 buwan ng pagiging bulag na tagasunod ng bawat isubo sa akin na kasinungalingan ng aming nakadestinong manggagawa sa Purok, maging ang aming Pastor dito sa Lokal ng Tandang Sora, ngayon ay napagtanto ko na ang katotohanan. Kami ng aking buong pamilya ay parang binuhusan ng malamig na tubig ng nakita namin sa TV at sa mga posts sa FB ang tungkol sa ginawa nilang kahayupan sa pamilya ng Ka Erdy. Noong una ay galit din ako sa kanila subalit ng nakita kong hindi na makatao ang ginagawa ng kasalukuyang Pamamahala, naluha na lamang kaming lahat dahil namalayan namin na sa loob ng ilang taon, wala pala akong natutunan sa mga Ministro kundi galit at poot, pagkamuhi at paghihiganti. Para kaming sinapian ng masamang espiritu at natutung maging masama sa kapwa, hindi ito ang Iglesiang kinagisnan namin, ibang iba na, hindi ko na nararamdaman ang Espiritu Santo. 

Nagpapasalamat na lamang ako sa Panginoong Diyos at hindi nahuli ang lahat sa amin ng pamilya ko, iminulat ng Ama ang aming paningin at damdamin at nakita naming may mali na sa inuugali at ginagawa ng mga Ministro ngayon. Noong una bagamat alam naming mga molestyador talaga ang mga Ministro, lalo na kapag Family Week nila pero in denial pa rin siguro kami, pero totoo lahat ng mga sinulat mo Ka A.E. at kahit na hindi ko po kayo kilala ng personal, nais po sana naming humingi ng tawad sa inyo dahil sa lahat ng mga emails at mga PM namin sa inyo noon na pawang mapanirang puri at masasakit na salita, sana po ay mapatawad ninyo kami. Habang binabasa ko ang mga dati kong mga messages sa inyo, dun ko nahalata na napakasama na pala ng mg apananalita ko, bagay na hindi ko kailanman naging ugali. Tinuruan kami ng Pamamahala na maging masama at malupit, sa kapwa, sa kapatid, sa magulang, napakasama, nahihiya ako kapag naaalala ko ang lahat ng aking ginawa ng akong nabubulagan pa. Nagpapasalamat ako sa inyo ka A.E. dahil bagamat pinagmumura ko kayo noon, ni minsan hindi kayo pumatol o nagsalita din ng masama sa akin, hindi gaya ng mga Ministro ngayon na gumagamit din ng Facebook, sila na ngayon ang larawan ng KAHAMBUGAN AT KABASTUSAN, wala na akong iba pang mga salitang magamit para mailarawan ang kanilang kasamaan. Binalikan kong basahin ang iyong mga isinulat noon ka AE. Kaya pala hindi ka namin nauunawaan dahil kapag binasa namin ang iyong mga articles ay nilalaktawan lang namin dahil para sa amin ay automatic agad yun na naninira ka lamang kaya walang lalabas sa iyo na mabuti kundi puro kasinungalingan. Nagkamali ako.

Kaya mula ngayon ay hindi na kami magpapasalamat. Hindi na rin kami sasamba o maglalagak o maghahandog, dahil sa alam naming gagamitin lamang ito sa walang kakwentakwentang bagay gaya ng mga fireworks na parang nagsunog ka na rin lang ng pera samantalang ang daming mahihirap na lokal na hanggang ngayon ay di pa nagkakaroon ng maaayos na bahay samabahan. Sana matauhan na ang Ka Eduardo at ang mga Sanggunian sa ginagawa nilang kasamaan. Maaaring naloko nila at napapaniwala kami noon, pero hindi na ngayon. Hindi kami maghahandog para lamang tustusan ang luho nila at gagamitin pa nila sa panggigipit ng ibang mga kapatid lalo na sa Pamilya ng Ka Erdy. Sana ay magsalita na ng hayagan ang Ka Angel at Ka Lottie upang malaman ng buong mundo ang kasamaan na ginagawa sa kanila ng Sanggunian.

Dito po sa Tandang Sora, tahimik lang ang marami sa amin subalit higit 60% dito ay mulat sa TUNAY na kalagayan ng Igleisa at ng Pamamahala at hindi kami makapapayag na babuyin nila ang mahal naming Iglesia, ihayag na sana sila ng lubusan ng Ama. Patuloy na dumarami ang mga Defenders dito at nagagalak akong sabihin na ako at ang aming buong pamilya at ang pamilya sa side ko at side ng mister ko ay puro mga Defenders na. Sana po ay mameet ko kayo someday Ka AE, pag nakita ko po kayo ay yayakapin ko po kayo at magpapasalamat po ako sa inyo dahil kinasangkapan kayo ng Diyos upang mamulat ang mga kapatid sa tunay na paglilinis ngayon sa mga lingkod ng Diyos. Salamat po.

Pakitago na lamang po ang aking tunay na pagkakakilanlan, Salamat po.