truth


Here’s another resonating voice from one Ken on the subject of love for your mother.

  • William

evm31.Maging ang ka EVM ay nakuryente sa ginawang pagtuturo niya ukol sa meron daw isa na nagsabi na d bale na mapunta sa impierno basta mapakulong lang ang sanggunian –,alam na alam naman nila na yun ay hindi tlga ang real fb ni ka kelly ong. Nakakaawa sila gumawa sila ng dummy , nagpost , at binatikos. Tanong– ka evm kayo po ba tlga ang nakabasa nun, nagsuri o nag imbestiga muna ba kayo kung yun ay ang real kelly ong , o spoonfed lang ito ng kung sinomang alipores nyo po?

2. Tila yata hirap na hirap pangatwiranan ni ka evm ang kanyang pagiging mapagmahal na anak — simple lang yung dalawang talata na itinuro ng PJ ukol sa pag ibig sa magulang. Una. Utos ng PDiyos na ibigin,igalang ang magulang. Pangalawa — ang itinuro ay ang sinumang umiibig sa magulang ng HIGIT kasya akin ay di karapatdapat sa akin.. Tama po yan.. — ang nais ko lang po ipapuna ay HINDI ITINURO NA HUWAG NANG IBIGIN ANG MAGULANG. Meaning marapat paring ibigin ang magulang huwag lang hihigit sa pag ibig sa PDiyos — Tanong: ka evm ano pong itinuro o ipinapagawa sa inyo ng ka tenny ang inyong nanay na labag sa aral ng PDiyos? Meron po ba? Paki banggit naman po baka sakaling maunawaan namin ang damdamin mo po.

12195990_1481938672136632_6103474516711208710_nTanong pa — kapag naging tgapamahala na ng iglesia ni Cristo — napuputol na ba po ang pagiging anak niyo sa inyong magulang? Kaya di na kayo maaaring lumapit at makipag usap sa inyong nanay? Nasan na po ang pag ibig sa magulang, o kahit sa kapwa? — kelan niyo pa po ba huling nakausap o nasilayan man lang ang inyong ina na nagSILANG sa inyo po?

3. Anong ginagawa niyo sa mga nagsisiwalat ng katiwalian — PINATATAHIMIK?? — tila yata yan malakas na proof na tlgang may mga ministro kayo na pinatatahimik o ikinukulong! Sa bibig tlga nahuhuli ang isda!

4. Sabi ni ka edwil zabala — ang INC po ay di mabagsik (noon ito sa harap ng tandang sora #36) sabi naman ni ka evm — sawaying May Kabagsikan! — so ano po ba tlga ang INC mabagsik o hindi?

Bro, may nais akong ipapost — ito ay batay sa aming talakayan ng isang kapatid dito sa aming lokal — ukol ito sa naganap na webex ni ka evm — Sabi ni ka evm sa pagtuturo ukol sa pag ibig — ang pag ibig sa magulang ay HUWAG HIHIGIT sa pag -ibig sa PDiyos. (Tama sapagkat yan naman tlga ay nakasulat sa bibliya)

Ang tanong ito bang aral na ito ay lubos na tinutupad na ka evm? Bakit ganito ang naging aming tanong.. Sapagkat sa kalagayan ngayon ng iglesia (mga kaanib) ay nagkakaroon ng MGA KATANUNGAN sa pag iisip kung bakit ba talaga itiniwalag ni ka evm ang ka tenny , at ang kanyang mga kapatid sa laman.

Batid nating lahat na tunay na mahal ng PDiyos ang Iglesia. Ang tanong tunay bang mahal ng ka evm ang PDiyos at ang Iglesia o siya ay nagpapaimbabaw lamang? Bakit ganito ang naging aming katanungan sapagkat kung tunay na mahal ng ka evm ang iglesia ay HINDI NIYA PAHIHINTULUTAN na magkaroon ng anomang dahilan para ang mga kapatid sa iglesia ay mag isip ng kung ano ano, at ng tunay na dahilan kung bakit itiniwalag ng ka evm ang kanyang nanay.

Sinasabi ng mga pro thumark na kapatid na kaya ayaw sabihin ni ka evm ang tunay na dahilan kung bakit itiniwalag ang ka tenny at ang kanyang mga kapatid ay DAHIL DAW sa mas lalong ikasisira DAW ng pagkatao ng mga ito! (Ang tanong ka evm, ano ba ang higit mong pinahahalagahan o iniibig –yung pagkatao ng iyong nanay o ang pag sunod sa aral ng Diyos na ikaw mismo ang nagtuturo na HUWAG HIHIGIT ang pag ibig sa magulang sa ating Diyos?)

tenny3ISANG PAGHAMON ka evm — tutal itiniwalag mo na lang din naman ang iyong nanay at mga kapatid sa laman — isiwalat mo na rin ang tunay na dahilan kung bakit mo sila itiniwalag — ano bang ipinagagawa sa iyo ng iyong mahal na ina na LABAG sa aral ng PDiyos … Meron ba? Ano? –,kasi kung wala ay ikaw po mismo ka evm ang hindi tumutupad sa aral ng Diyos na iyong itinuturo.

Kasi ang hindi mo pagsisiwalat ng tunay na mga pangyayari at dahilan(kung meron mam) ay kahayagan lamang na Higit mong iniibig ang iyong nanay kaysa sa ating PDiyos.. kahit sukdulang maging kaligaligan ito sa loob ng Iglesia.

Ka evm, sabihin mo na ang TOTOO.. Alang alang sa kapayapaan ng Iglesia! Maawa ka sa mga kapatiran.. Nais nating lahat na makarating sa Bayang Banal.

Aantayin namin ang inyong agarang pagtugon.

Salamat po.