recollection2

(From Social Media requesting sharing, a worthwhile read …)

Panawagan ng isang matandang kapatid sa INC na halos buong panahon ng pagkakaanib sa Iglesiang ito ay ginugol sa pagtupad ng kaniyang iba’t ibang pananagutang tinanggap sa Diyos.


Tears-are-prayers-too-they-travel-to-God-when-we-can’t-speakHindi kaunting pagtitimpi ang aking tiniis upang sana’y hindi ko magawa ang ganitong pananawagan sa mga taong naging mahalaga sa akin,iginalang at minahal sapagkat ako’y nangangamba na masugatan ko ang kanilang mga damdamin subalit sumapit sa aking pag-iisip ang katanungan sa kung alin ba ang bibigyan ko ng higit na pagpapahalaga ang gayon bang kaisipan o ang pagtatanggol sa kapakanan ng kabuuan ng Iglesia.

Simula ng magkaroon ng sigalot sa Iglesia,sa tuwing ako’y sasamba awang-awa ako sa mga kapatid sapagkat nakikita kong ang marami ay bigong bigo sapagkat ang inaasam nila na pakikisama ng Dios sa pamamgitan ng Espiritu Santo ay hindi na nila nadarama.Kapansin pansin ang pagpupumilit ng mga Ministro’t Manggagawa sa pamamagitan ng hindi karaniwang pagtaas ng tinig upang ipagmakaawa sa Ama ang kanyang pakikisama sapagkat siya mismong nangangaral ay sabik na sabik na madama ang Dios subalit ang lahat ay bigo.Hindi man nagsasalita ang mga kapatid ay hayag na makikita ang kanilang masidhing kabiguan na hindi nila nakapiling ang Dios bagay na pinaka mimithi ng lahat.

Gayon ng gayon ang nangyayari sa bawat pagsamba na sana’y dapat ng makapagbigay ng lakas ng loob sa mga nangangasiwa upang ito’y gamitin nila sa pagtawag ng pansin na sila’y nagkakaisa sa mga nasa itaas ng pangangasiwaan ng Iglesia.Nang malaunan ang kalagayang ito na hindi katanggap tanggap sa maraming mga kapatid at unti unting lumalabas sa kanilang mga bibig at nagtatanong bakit nagkakaganito ang ating mga pagsamba.

Marami ng naririnig na nangyayaring KATIWALIAN lalo na sa nauukol sa pananalapi sa mga pagngagnasiwa ng pagsamba pinipilit ng mga nangangasiwa na patayin ang ganitong paniniwala sa mga kapatid sa kalagitnaang ginagawang pananakot at pagbabanta.Ang mga pamamaraan sa pananalapi ng Iglesia na buong ingat at pagmamalasakit ng Kapatid na Erano Manalo ay unti unti ng binago at ito’y kapansin pansin na nakapag papataas ng kilay ng mga kapatid.

3Ang mga nangangasiwa ng pagsamba ay hayag na hindi nagtagumpay na pigilin ang mga kaisipang ito na kumalat na sa Iglesia lalo na ng lumabas ang mga salita na umano’y wala na ang laman ng Iglesia,naubos na.Pinatutunayan nito ang pagtigil npagpapagawa ng bahay sambahan,pagtanggal sa mga benipisyo na dati’y tinatanggap ng mga Ministro’t Manggagawa,mga balitang hindi na nakakabayad ng UTANG ang Iglesia,ang pagtigil sa mga nalalabi pang mga gawain sa Arena.Ang mga bagay na ito kailanman ay hindi nangyari sa panahon ng ating mahal nating sinugo sa mga huling araw at ng kapatid na Erano Manalo.

Dahil dito ang mga kapatid ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagtugon sa pananalapi ng Iglesia.Ang marami barya na lang ang inaabuloy,hindi na nagtatanging handugan,hindi na naglalagak sa pasalamat sapagkat di umano’y kung kani kanino lang bulsa tumutuloy ang kanilang abuloy.Sinikap ng pangangasiwa na ang kalakarang ito ay matigil sa pamamagitan ng pag gamit ng pananakot na ipinaaalam sa mga may tungkulin kung sino-sino ang naghahandog ng barya,ang hindi nagtatanging handugan,ang hindi naglalagak.

Mayroong sumusunod sa pananakot na ito subalit ang marami sa halip na sumunod ay hindi nagkaila nagsasagawa nito at nagtaglay ng naghihimagsik na damdamin sapagkat alam nila na ito ay mali,hindi tama at kailanman ay hindi itinuro ng sinugo.May nagsasalita na nga na hindi na maglalaon na ang mga tinatanggap ng mga Ministro at Mangagawa ay mawawala.Alam na ng maraming kapatid kung sino sino ang naging dahilan ng pagkakaganito ng pananalapi ng Iglesia at kung sino sino ang nakikinabang nito.

tears2Hangad ko na ang mga kinalaman sa aking panawagang ito ay maging matalino at may takot sa Dios may maalab na pag ibig sa Iglesia at sapat na pananampalataya.Wala akong pinakakahangad sa ginawa kong ito kundi sa pakinabangan ng Iglesia at wala akong hangarin na masaktan ang damdamin ng sinuman. Kaya ako’y nananawagan sa bawat isa na makakatunghay sa panawagang ito na makakapagtaglay sana ng pusong mapagpaumanhin, maunawain, at malawak na pagnanasa sa ikaaayos ng Iglesia.

Pinaka hahangad ko po na tayo’y mag katulong tulong na ang buong Iglesia ay maibalik natin sa dati nitong anyo,kalakaran,at simulain na ipinakilala ng sugo sa mga huling araw sa pamamagitang lubos tayong magkaisa sa layuning ang bawat isa ay nagtataglay ng mapagkumbaba at mapagpaumanhing puso sa pagsasagawa nito.

Salamat po ng marami , sana tayo’y Kaawaan ng Dios at mapagtagumpayan ang banal na layunin.