mailThe privilege will always be mine.  Your letter has brought so much hope to so many brothers and sisters in these times of uncertainty.  Allow me again to publish your reply to the first article.  Nawa’y lalong tumibay ang ating pananamapalataya, pag-ibig, at pag-asa. Maraming salamat po muli. –  W. Smith


Thank you very much Brother William. I am humbled when I saw that you made my letter a reading piece. At totoo pong pinagpapala ng Ama ang mga anak niyang nagtatapat. Our family was one of the poorest in our locale from way way back. My father was a devout Catholic before but as the saying goes, kapag tinawag ng Ama, sino ang pipigil. He was a convert in 1956 when I was barely 2 yrs. old. And became a PD in 1959. Pinagpahinga siya ng Ama last 1993.

Let me share you again an anecdote this time shared by my 84 yr old mother just to show that Iglesia ni Cristo is of God.

Noon pa po ang mga Ministro at ang mga asawa nila ay bawal ng maghanapbuhay. Ang destinado noon sa Lokal ay isa sa mga masasabi kong napakalapit sa Sugo sapagkat ang asawa niya ay mga kamag anakan ng kapamatok ng Sugo. Ang Tatay ko po ng mga panahong iyon ay pangkaraniwang Diakono pa lamang ngunit dahil naaralan ng Sugo, at alam niyang labag sa tuntunin ang maghanapbuhay, iniulat niya sa Pamamahala ang nasabing Destinado.

Nang maghaharap na sila sa harap ng Sugo, nanlumo ang aking Tatay ng makita niyang ang mga dinalang testigo ng Destinado ay puro mga matatandang Diakonesa sa Lokal at may mga sinasabi pa. Mga nagpapatunay daw na hindi totoo ang ulat ni Tatay. Nang pagkakataong iyon ay alam na niyang talo na siya. Pinalabas na siya ay naghahatid dumapit lang at siya ay inaalisan ng karapatan. Nang pauwi na sila, bigla pong nagtanong ang driver ng Ministro sa Sugo. Ang eksaktong tanong daw po, ” mawalang galang na po Kapatid na Felix, ano naman po ang masama kung maghanapbuhay si Ka…..” Doon po natapos ang boksing at knock out ang naturang Ministro. At binilinan ng Sugo ang tatay na pagbutihin ang pagiging bantay ng Iglesia.

Dahil sa pagtatapat sa Tungkulin, at talagang sinasampalatayanan namin na ang pagpapala ng Ama ay tatagos hanggang sa ikapitong lahi, kaming magkakapatid hindi man masasabing mayaman ay pinasagana ng Diyos sa material at Spiritual. Sabi nga ng napangasawa ko si Tatay daw ay parang si Moises, ipinatanaw lang ng Diyos ang Bayang Banal at pinagpahinga na. Si Tatay naman pinakita ng Diyos na ang kanyang mga anak ay maayos na ang kalagayan sa buhay at matatag na sa pananampalataya. Maraming salamat pong muli sa pagbibigay daan sa aking liham.