One of our readers Sister Olive Owel wrote me in reference to my previous article “Babalik ba ang kahapon?” It’s a worth read.


mailGood evening Bro William. I am in my 60’s. My father was a PD1 for 33 years in one of the oldest locale. In your article “Babalik pa ba ang kahapon” please let me share some of our memories of The Sugo and Ka EGM.

Pinalad ang tatay ko na mapangaralan ng Sugo bago siya naging Pangulong Diakono. Ang sabi ng Sugo, ang pagiging Diakono ay hindi titulo lang kundi isang tungkulin. Kung baga sa bahay may bantay. Yung aso tungkuling kumahol pag may hindi tama. Iyan ikaw sa Iglesia. Kahit ako, sabi ng Sugo, pag may nakita kang mali o labag sa doktrina, punahin mo ako hindi para ipatiwalag kundi para ituwid. Anecdote iyan ng tatay ko na palagi niyang kinukwento. Kaya naman sa paglaki naming magkakapatid nakita namin kung gaano naging matuwid sa tungkulin ang tatay hanggang sa kanyang kamatayan.  Kaya naman ang mga ministro kapag malalaman na madedestino sila sa Lokal namin, gusto ng magpalipat sapagkat alam nila na mahigpit sa tuntunin ang tatay at tiyak na mauulat sila pag gumawa ng labag sa tuntunin.

Hindi ko rin malilimutan ang mga Ministro noong araw lalo na si Ka Bining Pineda, na kahit Tagapamahala na ng Dibisyon sa kasimplehan ng buhay ay sa bahay pa magpapahinga, mahihiga sa papag sa silong ng bahay namin habang namamapak ng piniritong galunggong na malutong. Ang mga Boluntaryo na sa kahirapan ng buhay ay maglalaga ng hilaw na kaymito/starapple upang maipangtawid gutom at umaga pa lang ay naglalakad na para magmisyon/doktrina.

Opo maibabalik pa kaya ang kahapon? Noon ang turing ng mga Ministro/ Manggagawa sa kanilang tungkulin ay Bokasyon pero ngayon ito ay Propesyon na pinagkakakitaan.

Ako naman po ay may personal experience sa Ka EGM. Ako ay nagtatrabaho noon sa isang paint company at nais sana ng Boss ko na isang British na makapag transact ng Business sa Iglesia dahil kilala niya ang manugang ng isa sa mga Mataas na Ministro sa Central. Dahil alam niya na ako ay miyembro, nais niyang ako ang lumapit sa Central sapagkat ang sabi daw ay may SOP na 20% at lubha siyang nagtataka kung bakit merong ganun sa Iglesia. Isinangguni ko sa Tatay ko ang suliranin ko at iisa ang payo niya. Iulat ko kay Ka EGM. Sinunod ko ang Tatay ko at itinaon ko sa Balikbayan Day ang pagpunta ko sa Central. Ngunit sa sobrang takot ko ay hindi ko magawa ang pakay ko at naupo na lang ako sa isang tabi.

Hindi ko alam na nakikita pala ako ng Ka EGM na umiiyak. Itinuro niya ako sa isang Ministro at pinalapit niya ako. Tinanong niya kung ano ang pakay ko at ng malaman niyang may iuulat ako, pinaupo niya ako at siya rin ay umupo at pinakwento ang nalalaman ko habang nagsusulat ang isang Ministro. Pagkatapos kong magkwento ay pinayapa niya ako at sinabihan akong tama ang aking ginawa at huwag akong matatakot na magsabi ng totoo. Pagkatapos ay tinawag pa niya ang official photographer at nagpalitrato kami na hawak hawak niya ang aking kamay. Isang napakalaking biyaya at alaala na hanggang ngayon ay aking dala dala.

Ngayon po, babalik pa po kaya ang kahapon? Na ang ating Pamamahala ay madaling abutin?


Sister Olive, thank you very much for sharing some of your most beautiful memories with us.  Hoping the very best for you and your family.

William Smith