Here’s the true link to the message of Ka Angel and Ka Tenny. Marami nang lumalabas na edited video. To be sure just open the OLDEST file and you’ll get the original. And to those dimwits who would be able to delete this file. Malas mo, na download ko na ito. ibabalik at ibabalik ko rin.

“Nguni’t sa mga duwag …  at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”

Unang una sa listahan ang mga duwag sa ibubulig sa dagat dagatang apoy. My dear brethren  shall you still cower in fear that you may be expelled from the Church? Do you really think that serving God in fear is the right decision?  Saan ang sinasabi nilang “Pagibig, Pananampalatay, at Pagasa” dito? Gumising naman tayo. Kung ang Ka Tenny at ang buong angkan niya ay nagsalita na kapalit ng buhay nila, tayo ba ay mananatiling tahimik pa rin? Kung nagkataon buhay pa ang Ka Erdy at nag retire na sa katandaan, malamang kasama rin siya sa itiniwalag. Ano ba ang tawag mo sa kahibangan ito? Mga tanga, bobo, walang utang na loob, walang respeto sa magulang, walang respeto sa Dios. In short mga buwisit.

Why is it the worst idiotic decision? Hindi ba nila naisip, mayroon silang ginawang pelikula na “Ang Sugo”. Hindi pa pinalalabas ito. Mayroon doon tiyak tungkol Kay Erdy na gaganap na artista. Sino gaganap na Ka Teny at itinawalag na? Paano ngayon yon?

Hindi lang yan, nagmamasid na ang sambayanan. Ang mga bangko, palagay mo ba aaprubahan pa ang mga loan nila ngayon. Tiyak na ihohold ng bangko lahat ng transaction ng Iglesia. Yong mga suppliers na hindi pa nababayaran, Magdidimanda na yan. Palagay mo ba may magaabuloy pa ng isang daan – hanggang piso na lang kayo. Mga sanggunian, Anong klase kayong adviser. Hindi niyo nakita ito? Hindi niyo nakita ang negatibo.  Ano? bubuhusan niyo ng gasolina ang nagbabagang apoy. Hindi ba ninyo naaalaala ang nangyari sa Pilipinas nang patayin si Ninoy. Jan ang simula ng bagsak ni Marcos. Hindi man lahat buwisit talaga ang asawang masyadong pakialamero.  Nagkataon pang under ang lalake, sunod sunuran lang, walang paki.

Magbalot balot na kayong lahat kasamang mga pamilya niyong nakinabang sa kaban ng Iglesia, mga abuloy namin na bumuhay sa inyong lahat. Hindi kayo nahiya sa mga kapatid na buong tiwalang naghandog kahit wala ng makain maibigay lang sa inyo tapos ano,? Ipaparada niyo ang mga bulok na Prado, mga Lambhorgini at BMW na nakaw.

Mga politiko jan, bawiin niyo na ang mga kotseng niregalo niyo sa mga ministro namin. Palagay mo ba hawak pa rin nila ang boto namin. Baka gumastos kayo ng walang katuturan. Mga bobo nga ang advisers eh. Ito ang napapala nila, At ito rin ang mapapala niyo kung nagkataon.

Mga kapatid, magsadya tayo sa may bahay nila Ka Tenny at pamilya sa may likod ng Central, ipakita natin ang ating suporta. Kailangan-kailangan tayo nila ngayon. Noong una, ayaw magsalita ang pamilya ngunit nasaksihan nila ang mga pagtitiwalag ng walang basehan hanggang sa pagdudukot ng mga ministro at pamilya nila.  Hindi nila natiis ito kayat nagdisisyon silang magsalita upang ipakita sa Iglesia na kailanman hindi sila sang ayon sa mali.

Sa mga Sanggunian, palagay niyo ba ang pagiyak ng Iglesia kagabi sa mga pagsamba ay patotoo na mabiyaya pa ang pagsamba. Maling mali kayo. Naiyak kami dahil sa ginawa niyong PAGPATAY SA PAMILYA NG SUGO. Kung akala niyo tapos na ito NAGKAKAMALI KAYO –

SIMULA LANG ITO.